dzme1530.ph

BENEPISYO NG U19 ASIAN SEPAK TAKRAW CHAMPIONSHIPS, MARARAMDAMAN SA BUONG BANSA

Loading

Kumpiyansa ang pinuno ng Sepak Takraw Federation sa Pilipinas na lalakas ang grassroots development sa sport sa pagho-host ng bansa sa ASTAF U19 Asian Sepak Takraw Championships.
 
Nakatakdang mag-host ang Pilipinas sa U19 Asian Tournament simula sa Nov. 26 hanggang 30 sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila.
 
Sinabi ni Karen Tanchanco-Caballero, president ng Philippine Sepak Takraw Association Inc., na mararamdaman sa buong bansa ang benepisyo mula sa gaganaping kompetisyon sa bansa.
 
Aniya, dahil sa bagong equipment at mats para sa U19 Asian Tournament, dadalhin ang lumang gears na ginamit noong 2019 30th Southeast Asian Games sa limang regional centers na kanilang pinili, gaya ng Puerto Princesa City sa Palawan na kilalang hotbed para sa Sepak Takraw.

About The Author