dzme1530.ph

HALOS 500,000 ASF VACCINE DOSES, NA-ADMINISTER SIMULA 2024

Loading

Halos 500,000 doses ng bakuna laban sa African Swine Fever (ASF) ang na-administer na simula noong 2024, sa gitna ng pagpapalakas ng pamahalaan sa mga hakbang upang makabangon ang hog industry sa bansa.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), na-administer na ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang 499,008 mula sa 500,000 doses na inilaan sa ilalim ng kanilang ASF Vaccination Program simula 2024 hanggang sa unang kalahati ng 2026.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na kailangang bilisan ang pagbabakuna at makarating sa mas maraming farms upang gumana ang kanilang repopulation program.

Idinagdag ng kalihim na ang kanilang goal ay hindi lamang makontrol ang ASF, kundi maibalik ang swine industry sa kalagayan nito bago tumama at kumalat ang sakit sa mga baboy.

Saklaw ng vaccination campaign ang 54 farms sa pitong lalawigan, kung saan nanguna ang Tarlac sa may pinakamaraming nabakunahang baboy na nasa 287,620.

About The Author