![]()
Inatake ng drones ang tatlong commercial ships sa Black Sea, malapit sa Sulina Canal sa Romania, ayon kay Prime Minister Luca Niculaescu.
Inihayag naman ni Defense Minister Stefan Radu Oprea na walang casualties sa insidente at nakontrol ng mga tripulante ng mga barko ang mga sunog pagkatapos ng mga pag-atake.
Ang sunod-sunod na mga pag-atake sa merchant ships malapit sa NATO members na Romania at Bulgaria ay nagpapakita ng lumalalang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ang Sulina Canal ay isang key Romanian shipping lane na nag-uugnay sa Danube River patungong Black Sea at ginagamit ng Ukraine para sa exports.
