![]()
Habang nadaragdagan ang edad, nagbabago rin ang iba’t ibang proseso sa loob ng ating katawan, kabilang ang metabolism o ang paraan ng paggamit at pagsunog ng enerhiya mula sa pagkain.
Ang metabolism ay tumutukoy sa mga prosesong ginagawa ng katawan upang i-convert ang pagkain at inumin sa enerhiyang ginagamit sa paghinga, paggalaw, pagtunaw ng pagkain at iba pang mahahalagang gawain ng mga organ.
Sa pagtanda, maaaring bumagal ang metabolism dahil sa pagbabago sa komposisyon ng katawan, kabilang ang pagbaba ng muscle mass at pagdami ng body fat.
Dahil dito, maaaring mas kaunti na ang calories na kailangan ng katawan kumpara noong mas bata pa, at mas madali ring tumaas ang timbang kung hindi nagbabago ang dami ng pagkain at pisikal na aktibidad.
Upang mapanatiling maayos ang metabolismo habang tumatanda, mahalagang mag-ehersisyo nang regular, lalo na ang strength training upang mapanatili ang lakas at muscle mass.
Mahalaga rin ang pagkain ng sapat na protein, gulay, prutas at iba pang masustansyang pagkain, kasabay ng sapat na tulog at pag-iwas sa sobrang pagkakaupo.
Sa tamang nutrisyon, regular na ehersisyo at malusog na pamumuhay, maaaring mapanatili ang lakas, enerhiya at maayos na paggana ng katawan anuman ang edad.
