dzme1530.ph

SERBISYO SA UNANG DISTRITO NG LEYTE, TULOY-TULOY KAHIT SUSPENDIDO SI CONG. MARTIN ROMUALDEZ

Loading

Tuloy-tuloy ang serbisyo sa mga taga-Leyte, partikular sa 1st District, kahit suspendido ng 90 days si Cong. Martin Romualdez.

Tiniyak ni Tingog Rep. Jude Acidre na walang maantalang tulong mula sa medical assistance, educational support at iba pang government program.

Ayon sa chairman ng House Committee on Higher and Technical Education, nagpapatuloy sa pagtanggap ng requests for assistance ang mga district staff ni Romualdez, lalo na ang medical at educational needs.

Siniguro rin ni Acidre bilang kinatawan ng Tingog ang close coordination sa national government agencies para sa mabilis na pag-facilitate ng requests.

Pangunahin umano nilang layunin ay matiyak na walang kababayan sa Leyte ang mapapabayaan, kahit na pansamantalang suspendido ang kanilang kinatawan dahil isinasangkot ito sa katiwalian.

About The Author