dzme1530.ph

HARASSMENT SA CAMPUS JOURNALISTS NA NASA COVARAGE NG MGA KILOS PROTESTA KASABAY NG 2026 ASEAN SUMMIT, BINATIKOS NG NUJP

Loading

Binatikos ng National Union of Journalists of the Philippines o NUJP ang tinawag nilang harassment sa ilang campus journalists na nasa coverage ng mga kilos-protesta kasabay ng 2026 ASEAN Summit.
 
Ayon sa NUJP, ang pag-aresto, tangkang pag-aresto at harassment sa mga protesters at journalists ay paglabag sa right to peaceful assembly at freedom to report ng mga indibidwal.
 
Kabilang sa mga nakasama sa insidente ay ilang campus journalists mula sa UP Los Baños Perspective, UPLB The Staple, UP Philippine Collegian at City College of Calamba The Sentinel.
 
Idinagdag pa ng NUJP na isang campus journalist din mula sa Philippine Collegian at reporter mula sa Southern Tagalog Exposure ang inaresto.
 
Binigyang-diin naman ng Southern Police District na inaresto ang may 200 indibidwal dahil walang permit ang kanilang aktibidad.

About The Author