![]()
Hiniling ni House Speaker at ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) President Faustino Bojie Dy III sa ASEAN parliamentarians na isulong ang kapakanan ng kanilang mga mamamayan.
Ito ang sentro ng talumpati ni Dy sa pagbubukas ng 15th ASEAN-AIPA Leaders’ Interface parliamentary preparatory meeting sa Makati Shangri-La.
Aniya, ang pangunahin nilang task ay isulong ang aspirational goal ng ASEAN base sa kagustuhan ng kani-kanilang mamamayan.
Ang preparatory meeting ay para i-review ng parliamentary delegations ang draft AIPA Message para sa iisang consensus.
Si Senior Deputy Speaker Ferdinand Hernandez ang itinalagang chair ng preparatory meeting kasama si AIPA Secretary-General Dr. Chem Widhya bilang meeting secretary.
Kabilang sa Philippine delegations ay sina Deputy Speaker Rachel Arenas, Reps. Maria Carmen Zamora, Ma. Alana Samantha Taliño Santos, Emigdio Tanjuatco III, Jude Acidre, habang delegation adviser si House Secretary General Cheloy Velicaria-Garafil.
