![]()
Dumating sa Pilipinas si Chinese Premier Li Qiang, kagabi, para sa kanyang pagdalo sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.
Ang China ay nagsisilbing dialogue partner ng ASEAN simula noong 1996.
Ngayong Lunes ay magko-convene ang ASEAN-China Summit, kung saan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magpe-preside sa meeting bilang ASEAN chair.
Inaasahang tatalakayin ang pinakahihintay na Code of Conduct sa South China Sea, na matagal nang bahagi ng usapin sa maritime cooperation at security.
Una nang inihayag ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro sa press conference, kahapon, na hindi maisasapinal ang Code sa ilalim ng liderato ng Pilipinas, at ipauubaya na nila ito sa Singapore na susunod na ASEAN chair.
