dzme1530.ph

Vertical Horizon, magko-concert sa Pilipinas sa Hulyo

Magbabalik sa Pilipinas ang American alternative rock band na Vertical Horizon para sa isang concert.

Ayon sa anunsyo ng DMC Philippines, magpe-perform ang banda sa SM Skydome sa darating na July 18, alas-8:00 ng gabi.

Ang tickets na nagkakahalaga ng P3,500 hanggang P5,000 ay magiging available sa publiko simula sa May 3.

Ilang beses nang bumisita sa bansa ang vertical horizon na ang huli ay noong 2014 nang magtanghal sila sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Ilan sa kanilang classis hits ang “Best I Ever Had,” Everything You Want,” “You’re A God,” at “Finding Me.” —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author