dzme1530.ph

Alex Eala, bigo kay Tatjana Maria ng Germany sa first round ng Madrid Open

Nakaranas muli ng pagkatalo ang Filipino wildcard na si Alex Eala kay 2022 Wimbledon semifinalist Tatjana Maria ng Germany, sa score na 1-6, 1-6, sa first round ng Mutua Madrid Open sa Spain.

Ito na ang ikalawang talo ng 17 anyos na Pinay tennis ace sa Women’s Tennis Association (WTA) World no. 66 kasunod ng kanyang 2-6, 2-6 opening ouster mula sa Thailand Open noong Enero.

Makakatunggali naman ng 35 anyos na German ace ang 28th Seed at World no. 32 na si Bernarda Pera ng United States sa second round. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author