![]()
Arestado ang isang US Army soldier matapos paghinalaang nag-e-espiya para sa Russia, ayon sa British counter-terror police.
Dinakip ang 41-year-old senior serviceman malapit sa Gloucester, sa ilalim ng Sections 1 at 3 ng National Security Act of 2023.
Ang Section 1 ay may kaugnayan sa pagtataglay o pagbubunyag ng protected information habang ang Section 3 ay may kinalaman sa pag-assist ng foreign intelligence service.
Sinabi ni FBI Director Kash Patel na ang naturang pag-aresto ay kinapapalooban ng alegasyon ng espionage, na pinakamahalagang concern ng Estados Unidos at kanilang mga kaalyado.
