dzme1530.ph

PISO, BUMALIK SA 62-TO-1 DOLLAR LEVEL

Loading

Unti-unting bumangon ang piso sa 62-to-one dollar level kahapon sa gitna ng optimismo, kasunod ng pagbaba ng global fuel prices, matapos sumadsad sa ₱63 per dollar.
 
Nagsara ang palitan kahapon sa ₱62.91 per dollar, mula sa ₱63.31 per dollar noong Lunes.
 
Sinabi ni Union Bank Chief Economist Ruben Carlo Asuncion na ang pagbangon ng piso ay repleksiyon ng bumuting global risk sentiment, sa tulong ng bumabang oil prices at mas humihinang US dollar.
 
Aniya, ang pagbaba ng presyo ng krudo ay positibo para sa Pilipinas dahil pinapagaan nito ang pressure sa inflation at import bill.

About The Author