dzme1530.ph

YOUNG PINOY BOOTERS, MAKAKASAGUPA ANG INDONESIA PARA SA 2027 AFC U17 ASIAN CUP QUALIFIERS BUKAS

Loading

Impresibo ang pagsisimula ng kampanya ng Philippine Under-17 Men’s National Football Team para sa 2027 AFC U17 Asian Cup Qualifiers (ACQ).

Kasunod ito ng 2-1 victory laban sa Cambodia, sa Star City Sports Club sa Thanlyin, Myanmar.

Ito na ang ikatlong sunod na panalo ng Pilipinas laban sa Cambodia sa U17 men’s level simula noong 2025 ACQ.

Pinangunahan ni Filipino-German forward Kai Muller ang pambansang koponan sa kanyang debut, matapos manggaling sa kanya ang dalawang goals.

Sunod na makakasagupa ng Pilipinas ang 2023 at 2025 U17 World Cup contender na Indonesia, sa Yangon, bukas, Nov. 11, 4:30 ng hapon.

About The Author