![]()
UMARANGKADA nang muli ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Present sa 40th day ng impeachment trial ang 14 na senator judges.
Bago tuluyang umarangkada ang pagdinig, iprinisinta muna ni Presiding Officer Chiz Escudero ang mga naging kaganapan habang naka-break ang pagdinig.
Binanggit ni Escudero ang inilabas niyang ruling kaugnay sa pananatili ng sub judice rule kahit sa tatlong articles of impeachment na binawi ng prosekusyon.
Inihayag din ni Escudero na inaprubahan nila ang hiling ng depensa na ipagliban ang pagharap ngayong araw na ito ni Atty. Suzette Balucang-Punay.
Ito ay dahil may naka-schedule na MRI scan ngayon si Balucang-Punay.
Inaprubahan ng korte ang pagharap ng testigo bukas, November 10.
Dahil dito, unang isinalang ng defense team si Engr. Jaime Andalin, city assessor ng Davao City, para sa tax declaration ng isang property na nakalagay sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ni VP Sara.
