dzme1530.ph

UNANG TESTIGO NG DEFENSE TEAM, TUMANGGING HUMARAP SA IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA DUTERTE

Loading

Tumanggi si dating University of St. La Salle Law Dean Ralph Sarmiento na humarap sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
 
Si Sarmiento sana ang unang testigong ihaharap ng defense panel sa muling pag-arangkada ng impeachment proceedings sa Lunes.
 
Ipinaliwanag ni Sarmiento na hindi siya maaaring magsilbing testigo sa magkabilang panig upang mapangalagaan ang independence ng kanyang constitutional law scholarship at impartiality ng kanyang legal opinions.
 
Pinasalamatan naman ni Sarmiento ang defense team ni VP Sara sa pagkilala sa kahalagahan ng kanyang constitutional and legal analyses na kanyang ibinabahagi sa social media.

About The Author