![]()
Nakumpleto na ni Zeinab Harake at kanyang mister na si Bobby Ray Parks Jr. ang legal adoption process para sa mga anak ng content creator.
Opisyal nang kikilalanin sina Lucas at Bia bilang mga miyembro ng Parks family.
Sa kanyang latest vlog, binalikan ni Zeinab ang mahaba at emotional journey, na nagtapos sa pagkakaroon ng kanyang mga anak ng birth certificates na may apelyidong Parks.
Labis ang pasasalamat ng social media influencer sa kanyang basketball player na mister na hindi lamang siya ang tinanggap at pinakasalan, kundi pati na ang dalawa niyang anak.
Si Lucas ay adopted son ni Zeinab habang si Bia ay biological daughter niya sa dating partner na si Skusta Clee.
