![]()
Inanunsyo ng pamilya ni Ate Gay na nakaburol na ang tinaguriang “Mashup Queen” ng Pilipinas, sa Biñan, Laguna.
Nakalagak ang labi ng komedyante sa Capilla del Padre Jose Burgos, Forest Lake Memorial Premier Chapel.
Nagsimula ang burol kahapon habang ang huling gabi at tribute para kay Ate Gay ay sa Nov. 9, bago ang kanyang libing sa Nov. 10.
Ngayong Nov. 5 hanggang sa Nov. 8, mayroon public viewing simula alas-otso ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.
Pumanaw si Ate Gay o Gil Aduc al Morales sa totoong buhay noong Nov. 1 matapos ma-stroke, sa edad na 55.
Noong Oct. 15 ay nagdaos si Ate Gay ng “Living Funeral” upang ipagdiwang ang kanyang buhay kasama ang mga kaanak at mga kaibigan.
