![]()
Bumaba ang produksyon ng palay sa ikatlong quarter ng taon, sa kabila ng mga hakbang ng pamahalaan na protektahan ang rice sector mula sa epekto ng El Niño, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 3.08 million metric tons ang palay production simula July hanggang September.
Mas mababa ito ng 18% kumpara sa 3.75 million metric tons na nai-record sa kaparehong quarter noong nakaraang taon.
Gayunman, inaasahan na ng DA ang pagbagsak ng produksyon ng palay bunsod ng nabawasang harvested areas, dulot ng mataas na presyo ng fertilizer at langis.
