dzme1530.ph

BUS AUGMENTATION SYSTEM SA LRT LINE 2, SINIMULANG IPATUPAD NG DOTR

Loading

Sinimulan ngayong araw na ito ng Department of Transportation ang pagpapatupad ng LRT-2 bus augmentation bilang bahagi ng mga hakbangin upang maiwasan ang overcrowding ng mga pasahero.

Ayon sa DOTr, 20 trial buses ang kanilang idineploy upang bumiyahe mula Antipolo hanggang Cubao at posibleng umabot pa hanggang Legarda.

Personal namang nagsagawa ng ebalwasyon sina DOTr Secretary Vince Dizon, kasama sina MMDA Director Gabriel Go at LTFRB Acting Chairman Greg Pua sa biyahe ng mga bus.

Pinag-aaralan din ng DOTr kung posibleng maglagay ng EDSA Busway-style na dedicated lane sa kahabaan ng Marcos Highway.

About The Author