dzme1530.ph

295 INFRASTRUCTURE PROJECTS NG DPWH, TATANGGALIN NG SENADO SA PANUKALANG 2027 BUDGET

Loading

TATANGGALIN ng Senado ang 295 na infrastructure projects na nagkakahalaga ng P8.836 billion na nakapaloob sa 2027 panukalang budget.
 
Ito ang kinumpirma ni Senate President Sherwin Gatchalian sa patuloy nilang pagbusisi sa pambansang pondo.
 
Ipinaliwanag ni Gatchalian na ang kawalan ng sapat na mga dokumento ang pangunahing dahilan ng plano nilang patatanggal ng mga proyekto.
 
Iginiit ng senate leader na buo ang commitment ng Senado sa pag-aalis ng mga line items na walang sapat na batayan, kabilang ang mga walang kongkreto at mapapatunayang suportang teknikal, upang matiyak na bawat item sa pinal na bersyon ay handa nang simulan.
 
Ito ay makaraang matanggap ang sulat mula kay dating DPWH Secretary Vince Dizon na nagbunyag na 295 proyekto ang natuklasang “non-compliant” batay sa ebalwasyong isinagawa ng ahensya.
 
Binigyang-diin ni Gatchalian na magpapatupad sila ng zero-tolerance para sa mga pondo ng imprastraktura na walang suportang teknikal.

About The Author