dzme1530.ph

PANAWAGANG “SHOOT-TO-KILL” LABAN KAY SEN. BATO DELA ROSA, IBINASURA NG PNP; DUE PROCESS, IGINIIT

Loading

Ibinasura ng PNP ang mga panawagan na “shoot-to-kill” approach laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Kasabay ito ng pagsasabing dapat sumunod ang pulisya sa due process sa pagpapatupad ng arrest warrant laban sa mambabatas.

Binigyang-diin ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na ang kanilang mandato ay magpatupad ng batas, at hindi ilagay ang batas sa kanilang mga kamay.

Idinagdag ni Nartatez na lahat ng police operations ay dapat nagtataguyod sa human rights at sa rule of law, kasabay ng babala laban sa paggamit ng labis na karahasan o puwersa.

Ginawa ng PNP ang pahayag matapos itanggi ni Cagayan de Oro 1st District Rep. Lordan Suan ang social media post na nag-uugnay sa kanya hinggil sa panawagang “shoot-to-kill” resolution laban kay dela Rosa.

About The Author