dzme1530.ph

MGA KASONG POSIBLENG KAHARAPIN NG MGA SANGKOT SA PAGTATAPON NG MGA PATAY NA HAYOP SA BAKANTENG LOTE SA BULACAN, INISA-ISA NG PNP

Loading

Inisa-isa ng Philippine National Police ang mga posibleng kasong kriminal na haharapin ng mga taong nasa likod ng pagtatapon ng 29 na patay na aso at pusa sa isang bakanteng lote sa San Jose del Monte, Bulacan.
 
Sa pahayag ng PNP, posibleng maharap sa mga kasong estafa, syndicated estafa, paglabag sa Code of Sanitation of the Philippines, paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act at paglabag sa Consumer Act of the Philippines ang mga sangkot sa insidente.
 
Bukod dito, maaari ring magsulong ng civil claims ang mga apektadong customers.
 
Kasabay nito, hinimok ni PNP Chief, Police General Melencio Nartatez Jr. ang mga pet owners na posibleng nabiktima na maghain ng kanilang mga reklamo at magsumite ng mga ebidensya.
 
Inatasan din ni Nartatez ang puwersa ng pulisya sa Bulacan at Cavite na makipag-ugnayan sa iba pang law enforcement agencies upang matukoy ang mga indibidwal na nagbiyahe at nagtapon ng mga hayop.

About The Author