![]()
Ayon sa PAGASA, posibleng umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index sa San Jose, Occidental Mindoro; Iloilo City, Iloilo; at Catarman, Northern Samar.
Mararanasan naman ang 42 degrees Celsius na heat index sa Bacnotan, La Union; Camiling, Tarlac; Sangley Point, Cavite City; Mulanay, Quezon; Cuyo, Palawan; Daet, Camarines Norte; Legazpi City, Albay; Virac, Catanduanes; Roxas City, Capiz; Siquijor; Borongan, Eastern Samar; Dipolog, Zamboanga del Norte; at Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Ayon sa PAGASA, ang heat index na mula 42 hanggang 51 degrees Celsius ay maituturing na danger category na maaaring magdulot ng heat cramps at heat exhaustion, na may posibilidad ng heatstroke.
Pinapayuhan ang publiko na limitahan ang outdoor activities, manatili sa malilim na lugar, uminom ng maraming tubig at magsuot ng lightweight clothing upang maiwasan ang heat-related illnesses.
