dzme1530.ph

PILIPINAS, MASISILBING HOST SA KAUNA-UNAHANG U-19 ASIAN SEPAKTAKRAW CHAMPIONSHIP

Loading

Magsisilbing host ang Pilipinas sa inaugural edition ng ASTAF U-19 Asian Sepaktakraw Championship sa Nov. 26 hanggang 30 sa Rizal Memorial Sports Coliseum at Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.
 
Ito ang kauna-unahang Asian Youth Championship na inorganisa ng Asian Sepaktakraw Federation (ASTAF).
 
Kabilang sa mga bansang nagkumpirma na ng kanilang partisipasyon ay ang Bangladesh, Chinese Taipei, India, Indonesia, Iran, at Iraq.
 
Gayundin ang Malaysia, Myanmar, Oman, South Korea, Sri Lanka, Thailand, Vietnam, at Pilipinas.
 
Gaganapin ang opening ceremony sa Nov. 26 habang ang medal and closing ceremonies ay itinakda sa Nov. 30.

About The Author