dzme1530.ph

RUSSIAN BOMBING, PUMATAY NG 26 KATAO SA UKRAINE AIDE CENTER, AYON SA KYIV

Loading

Hindi bababa sa dalawampu’t anim na indibidwal ang nasawi sa pambobomba ng Russia sa isang aid distribution center.

Tinawag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang naturang pag-atake na “utterly horrific” o lubhang nakapangingilabot.

Lima ang nasugatan habang dalawampu’t pito ang inisyal na napaulat na nawawala matapos tumama ang siyam na aerial bombs sa Komyshuvaka Village sa Southern Zaporizhzhia Region.

Sinabi ni Zelensky na matapos tumama ang first strike sa isang lokal na paaralan na ginamit para sa humanitarian needs, nagkaroon ng ikalawang pag-atake sa isang shelter na tinutuluyan ng mga residente.

About The Author