dzme1530.ph

HIRIT NG TRUMP ADMINISTRATION NA ITIGIL ANG BILANGAN NG BOTO SA CALIFORNIA, IBINASURA NG US SUPREME COURT

Loading

Ibinasura ng US Supreme Court ang last-minute request ng Trump administration na makialam ito sa bilangan ng boto sa midterm election sa California.
 
Nais ng Justice Department na isantabi ang 20,000 ballots na posibleng mayroon umanong isyu sa non-US citizens sa naturang state.
 
Una nang ibinasura ng dalawang lower courts ang kahilingan, matapos kwestiyunin ng state election officials ang claims ng federal government, sa pagsasabing ang prosesong ginamit sa pagtukoy sa umano’y non-citizens ay inaccurate.
 
Inilabas ang ruling sa bisperas ng midterms, na magde-determine kung aling political party ang ko-kontrol sa US Congress sa huling dalawang taon ng second term ni US President Donald Trump.

About The Author