dzme1530.ph

170,000 MACBOOK NEO LAPTOPS, IPAMAMAHAGI SA MGA GURO AT ESTUDYANTE

Loading

Nagkasundo ang Department of Education at Apple Company para sa suplay ng 170,000 MacBook Neo laptops sa mga guro at estudyante sa buong bansa.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ang modernization initiative ay critical investment sa national education standards.

Iginiit ni Angara na ang pag-i-invest sa mga guro ay pag-i-invest sa kinabukasan ng mga estudyante.

Idinagdag pa ng kalihim na ang kanilang hakbang ay pagtupad sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bibigyang prayoridad ang edukasyon sa pamamagitan ng pagtiyak na fully equipped at future-ready ang mga frontliners.

About The Author