dzme1530.ph

FORMER MISS UNIVERSE GLORIA DIAZ, MAGSISILBING JUDGE SA 2ND EDITION NG MGI ALL STARS

Loading

Pinangalanan si Miss Universe 1969 Gloria Diaz bilang isa sa mga judge para sa second edition ng Miss Grand International (MGI) All Stars.

Isinagawa ang anunsyo sa pamamagitan ng video na ipinost sa official Facebook page ng MGI All Stars, kung saan binigyang-diin ang achievements ng beauty queen-turned-actress sa kanyang career.

Agad namang nagpahayag ng kanilang excitement ang fans, kasunod ng announcement.

Unang inanunsyo ng MGI All Stars ang kanilang 2nd edition noong Hunyo, kasunod ng matagumpay na inaugural competition na ginanap sa Thailand, kung saan si Vanessa Pulgarin ng Colombia ang nagwagi.

Itinakda ang coronation night para sa second edition sa Dec. 12.

About The Author