dzme1530.ph

LRT LINE 2, MAY LIBRENG SAKAY PARA SA MGA BATA BUKAS

Loading

Bilang pagdiriwang sa National Children’s Month, libre ang sakay sa lahat ng LRT Line 2 stations sa mga labingwalong taong gulang pababa, bukas, Nov. 4.

Batay sa anunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA), available ang libreng sakay simula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m.

Ayon sa LRTA, ang free ride program ay bilang suporta ng ahensya sa Council for the Welfare of Children, sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development.

Sa pagpapatupad ng libreng sakay, binigyang-diin ng LRTA na mananatiling nakalaan ang priority boarding areas para sa senior citizens, buntis, at persons with disabilities.

About The Author