dzme1530.ph

POSIBILIDAD NA ISALANG NG DEPENSA BILANG TESTIGO SI VP SARA SA KANYANG IMPEACHMENT TRIAL, HINDI INAALIS NI HOUSE LEAD PROSECUTOR GERVILLE LUISTRO

Loading

Masusing pinag-aaralan ng buong House prosecution team ang defense pretrial brief, ilang araw bago ang pagbabalik ng paglilitis sa November 9.

Hindi inaalis ni lead prosecutor, Batangas Rep. Gerville Luistro, na isalang ng depensa bilang testigo ang mismong akusado na si VP Sara Duterte at ang kabiyak nitong si Atty. Manases Carpio.

Para kay Luistro, tanging si VP Sara at Atty. Mans lamang ang may kakayahang ipaliwanag ang katotohanan sa mga dokumentong naipresenta nila sa korte.

Ayon sa mambabatas, interesadong-interesado sila na marinig ang testimonya ng Bise dahil iyon ang kasagutang matagal nang hinihintay ng buong sambayanan.

Ito rin aniya ang pagkakataon para ma-cross-examine nila ang Pangalawang Pangulo at iba pang testigo na iuupo ng depensa.

About The Author