![]()
Nakatakdang buksan ang bagong rehabilitate na EDSA Busway Guadalupe Station sa Biyernes, Nov. 6, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Binisita nina Transportation Sec. Vince Dizon at Public Works Sec. Giovanni Lopez ang istasyon bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na pagandahin ang public transportation facilities at gawing maginhawa ang biyahe ng mga pasahero.
Sa statement, sinabi ng DOTr na ipinag-utos din ni Dizon ang paglalagay ng maayos na toilet, ceiling fans, at dagdag na upuan sa mga istasyon ng busway para sa commuters.
Idinagdag ng ahensya na ang improvements ay bahagi ng patuloy na pagtutulungan sa pagitan ng DOTr at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ito ay para masiguro ang tuloy-tuloy na infrastructure projects at unahin ang kapakanan ng mga pasahero, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
