![]()
TIWALA si Senate President Sherwin Gatchalian na patungo na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa matagalang kapayapaan at sa matagal nang inaasam na pag-unlad ng ekonomiya.
Kasabay nito, nagpahatid ng pagbati si Gatchalian sa mga residente ng BARMM at kay Abdulraof Macacua sa pagkakaluklok nya bilang chief minister ng buong rehiyon.
Naniniwala anya siyang isusulong ng bagong liderato ang good governance at sa tulong ng mga stakeholders, itataguyod ang pag-unlad ng ekonomiya at kapakanan ng bawat isa sa rehiyon.
Ayon kay Gatchalian, dapat magkaisa ang mga grupong pulitikal, mga civil society organizations, at mga lokal na pamahalaan sa likod ng bagong halal na administrasyon ng BARMM upang matiyak ang katatagan at inklusibong pag-unlad.
