![]()
Inilabas na ng nation’s girl group na BINI ang bagong track para sa hosting ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ngayong Nobyembre.
Ang “Sama-Sama Tayo,” na isang uplifting song, ay pagbibigay-pugay sa 48th ASEAN Summit and Related Summits at tungkol sa pagkakaisa para sa mas matatag na ASEAN Community.
Una nang pinangalanan ang BINI bilang Philippine Tourism Ambassadors, kasama ang SB19, na nag-release din ng track para sa upcoming ASEAN Summit.
Gumawa ng kasaysayan ang BINI matapos tanghalin bilang kauna-unahang P-pop group na nag-perform sa Coachella.
Ang ASEAN Summit ay gaganapin sa November 16 hanggang 18.
