![]()
Umabot sa “danger” level ang heat index sa labing-isang lugar sa bansa, kahapon, kasabay ng pagdagsa ng mga pamilya sa mga sementeryo para bisitahin ang mga yumao nilang mga mahal sa buhay.
Ayon sa computed heat index forecast ng PAGASA, naitala ang heat index na hindi bababa sa 42 degrees Celsius mula sa pitong rehiyon.
44 degrees Celsius ang na-record sa Coron, Palawan, habang parehong 42 degrees Celsius sa San Jose, Occidental Mindoro at Cuyo, Palawan, sa MIMAROPA.
Sa Ilocos Region, 42 degrees Celsius ang heat index sa Bacnotan, La Union, katulad sa Legazpi City, Albay sa Bicol Region at Siquijor, Siquijor sa Negros Island Region.
43 degrees Celsius naman ang naitala sa Catarman, Northern Samar, habang 42 degrees Celsius sa Borongan, Eastern Samar at Maasin, Southern Leyte sa Eastern Visayas.
Na-record din ang 43 degrees Celsius na heat index sa Dipolog City, Zamboanga del Norte sa Zamboanga Peninsula, habang 42 degrees Celsius sa Hinatuan, Surigao del Sur sa Caraga.
