dzme1530.ph

14 PINOY SEAFARERS NA NAKALIGTAS SA DRONE ATTACK, DARATING SA BANSA NGAYONG LUNES

Loading

Nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw na ito ang labing-apat na Pinoy seafarers na nakaligtas sa drone attack sa Liberian-flagged container ship.
 
Inaasahang lalapag sa Clark International Airport ang mga seafarers na nailigtas ng Bulgarian authorities noong October 28.
 
Ang mga Pinoy seafarers ay kabilang sa 18 crew members na lulan ng barko na lumubog matapos ang drone strike habang naglalayag mula Haifa sa Israel patungong Constanta sa Romania.
 
Dinala ang mga tripulante sa Bulgarian Port of Varna kung saan sila inasistehan.
 
Agad namang bumiyahe patungong Varna ang mga tauhan ng Migrant Workers Office sa Hungary para suriin ang kalagayan ng mga Filipino seafarers at binigyan sila ng suporta kasama na ang financial assistance.
 
Sa kuwento ng mga seafarers, pinatalon sila ng kapitan ng barko sa dagat matapos ang unang drone attack.
 
Dalawa hanggang tatlong oras umano silang nagpalutang-lutang bago nailigtas.

About The Author