dzme1530.ph

DESISYON NG SUPREME COURT KAUGNAY SA BUDGET, MALAYANG PAG-USAPAN NG KAHIT SINO, AYON SA PALASYO

Loading

ITINANGGI ng Malacañang na smokescreen o paglilihis sa isyu sa desisyon ng Korte Suprema laban sa 2024, 2025 at 2026 national budget ang paglalaan ng ₱50 million na pabuya para sa ikadarakip ni Senador Ronald Bato dela Rosa.
 
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, malaya ang sinuman na pag-usapan ang desisyon ng Supreme Court kaugnay sa budget.
 
Wala anyang pipigil kung sinuman ang gustong tumalakay sa isyung ito at ibang usapin ang trabaho ng mga awtoridad na hanapin ang sinumang wanted personality.
 
Iginiit ni Castro na walang koneksyon sa Korte Suprema ang trabaho ng Department of the Interior and Local Government.
 
Wala anyang nakahihigit sa batas kahit sino kaya hindi maaaring magtago kapag may warrant of arrest at sa halip ay mas mabuting harapin ni dela Rosa ang kanyang kaso.
 
Si dela Rosa ay co-accused ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity hinggil sa inilunsad na war on drugs.

About The Author