![]()
Maagang bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa puntod ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani.
Bago ang paggunita sa All Saints’ Day kahapon, ay dumalaw na ang pamilya Marcos sa libingan ng dating pangulo noong Biyernes, Oct. 30.
Kasama ni PBBM ang kanyang ina na si Former First Lady Imelda Marcos, kapatid na si Irene Marcos-Araneta, at ilang malalapit na pamilya at kaibigan.
Nag-alay ang pamilya ng dasal at nagbigay ng kani-kanilang respeto sa naturang pribadong pagbisita.
Samantala, ilang supporters din ang bumisita sa puntod ni Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani kahapon, Nov. 1.
