dzme1530.ph

MAHIGIT 80K NA PASAHERO, DUMAGSA NA SA MGA PANTALAN PARA SA PAGGUNITA SA UNDAS

Loading

Mahigit 80,000 na mga pasahero ang dumagsa na sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa, bago ang paggunita sa All Saints’ Day at All Souls’ Day, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Hanggang alas sais kagabi, nakapagtala ang PCG ng 40,503 outbound passengers at 43,593 inbound passengers.

Inihayag ng PCG na nag-deploy sila ng kabuuang 6,082 frontline personnel upang matiyak ang kaligtasan sa mga pantalan, sa harap ng inaasahang pagdami ng mga pasahero sa Undas.

Samantala, umabot na sa 526 vessels at 441 motor bancas ang dumaan sa inspeksyon ng mga awtoridad.

Lahat ng PCG districts, stations, at sub-stations ay inilagay sa heightened alert simula noong Oct. 29 hanggang sa Nov. 3.

Sa pagtaya ng Philippine Ports Authority (PPA), mahigit 1.9 milyong pasahero ang inaasahang magtutungo sa mga pantalan para makauwi sa kanilang mga probinsya para sa Undas holiday.

About The Author