dzme1530.ph

BIYAHE NI POPE LEO SA SOUTH AMERICA, TULOY ALINSUNOD SA PLANO MATAPOS ANG LUNG CANCER SURGERY

Loading

Kinumpirma ng Vatican na tuloy si Pope Leo sa kanyang South American tour, alinsunod sa plano, kasunod ng kanyang operasyon para sa lung cancer.

Na-diagnose na may lung cancer ang Santo Papa at sumailalim sa matagumpay na surgery sa Rome noong Oct. 13 para alisin ang bukol sa ibabang bahagi ng kanyang kanang baga.

Ayon sa Vatican, nakatakdang bumiyahe ang 71-year-old pontiff sa Uruguay, Argentina, at Peru sa Nov. 6 hanggang 17.

Sinabi ni Pope Leo na excited na siyang bumalik sa kontinente kung saan niya naranasan ang maraming alaala sa kanyang buhay.

Batay sa plano, sampung siyudad ang bibisitahin ng Santo Papa sa naturang tour.

About The Author