![]()
Muling ilalagay sa red at yellow alert status ngayong araw ng Martes ang Visayas Grid bunsod ng limitadong power capacity.
Sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, ipatutupad ang red alert mula 5 PM hanggang 6 PM.
Yellow alert naman mula 4 PM hanggang 5 PM at 6 PM hanggang 9 PM.
Sa datos, ang available capacity ng Visayas Grid ay 2,452 megawatts habang ang peak demand ay umaabot sa 2,482 megawatts.
