![]()
Ipinagdiwang ng SB19 ang kanilang 8th anniversary kasama ang kanilang fans na A’TIN sa ikalawang araw ng kanilang first-ever One Zone Fest, sa Smart Araneta Coliseum, sa Quezon City, kagabi.
Sinabi ng Kings of P-pop na ang kanilang fans ang nananatiling pinanggagalingan ng kanilang lakas simula umpisa at hanggang ngayon na walong taon na sila sa industriya ng musika.
Pinuri ng grupo ang kanilang fandom, hindi lamang sa kanilang tuloy-tuloy na suporta kundi maging sa charity works.
Sa naturang selebrasyon, binigyan ng SB19 ang kanilang fans ng lineup ng kanilang hits, kabilang ang “DAM,” na nagsilbing explosive opening number.
Sumali rin ang grupo sa interactive games at activities, kasama ang A’TIN sa buong event.
