dzme1530.ph

IMBESTIGASYON SA MALAGIM NA PLANE CRASH NG AIR FORCE, GUMUGULONG NA

Loading

Gumugulong na ang masusing imbestigasyon sa malagim na plane crash na nagresulta sa pagkamatay ng apat na piloto ng Philippine Air Force, sa gitna ng training flight sa Fernando Air Base sa Lipa City sa Batangas.
 
Pahayag ito ng Department of National Defense, kasabay ng pagtiyak sa transparency, accountability, at sa kaligtasan ng kanilang personnel.
 
Layunin ng imbestigasyon na ma-establish ang facts, matukoy ang mga sanhi at gaps na nangangailangan ng corrective action, at maiwasan ang mga kahalintulad na trahedya.
 
Nagluluksa ang ahensya sa pagpanaw ng apat na Air Force pilots sa SF-260 aircraft accident.
 
Biyernes ng hapon nang magkabanggaan sa himpapawid ang dalawang single-propeller SF-260 aircraft habang pababa sa loob ng base perimeter.

About The Author