dzme1530.ph

MARIAN RIVERA, NAGSALITA TUNGKOL SA MATAGAL NG “PADLOCK” ISSUE

Loading

Sinagot na ni Marian Rivera ang matagal nang isyu na pinadlock umano nito ang kapwa aktres sa isang comfort room, sa pagsasabing hindi kailanman nangyari ang insidente.
 
Ginawa ng Kapuso actress ang pahayag nang mag-guest ito sa “Gandang Gabi Vice,” kagabi, kung saan tinanong ng host kung totoo bang nangyari ang “padlock” incident.
 
Kinumpirma ni Marian na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng hindi niya pinangalanang aktres, subalit matagal na aniya silang nagkaayos nito.
 
Sinabi ni Marian na ang mahalaga sa ngayon ay okay na silang dalawa ng aktres kapag nagkikita, at napatawad na niya ito.
 
Idinagdag ng Kapuso Primetime Queen na nanatili siyang tahimik ng ilang taon tungkol sa kontrobersiya dahil sa tingin niya ay may sarili nang konklusyon ang mga tao tungkol sa nangyari.

About The Author