dzme1530.ph

DOE, BUMABALANGKAS NA NG MGA HAKBANGIN KAUGNAY SA EPEKTO NG EL NIÑO

Loading

Naghahanda na ang Department of Energy ng mga hakbangin kaugnay sa epekto ng Super El Niño.

Kasama sa pinaghahandaan ang posibleng power disruptions at mas mataas na electricity demand.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, bumubuo na sila ng contingency plans upang proteksyunan ang electricity supply ng bansa sa gitna ng mas mainit na kondisyon.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang ahensya sa iba pang ahensya ng gobyerno para sa paghahanda sa potential impacts ng tagtuyot.

Pinalalakas din ng ahensya ang koordinasyon sa distribution utilities upang matiyak ang stable power supply.

About The Author