dzme1530.ph

INFRASTRUCTURE SPENDING, BUMAGSAK SA IKA-LABING APAT NA SUNOD NA BUWAN NOONG AGOSTO

Loading

Bumagsak ng 16.9% ang infrastructure spending noong Agosto, kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
 
Batay sa latest disbursement data mula sa Department of Budget and Management (DBM), bumaba ang infrastructure at iba pang capital outlays sa ₱70.5 billion noong Agosto mula sa ₱84.9 billion noong August 2025.
 
Ito ang ika-labing apat na sunod na buwan na bumagsak ang infrastructure spending.
 
Iniugnay ng DBM ang pagbaba sa mas mabagal na disbursements ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at adverse weather conditions.
 
Nagsimula ang downtrend noong July 2025 nang ibunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang umano’y mga iregularidad sa flood control projects.

About The Author