dzme1530.ph

ALEX EALA AT FIL-AM DESIRAE KRAWCZYK, SASABAK SA DOUBLES NG PAN PACIFIC OPEN

Loading

Makakasama ni Filipina tennis sensation Alex Eala ang Filipina-American star na si Desirae Krawczyk ng US sa Pan Pacific Open doubles tournament.
 
Makakasagupa nina Eala at Krawczyk ang fellow Asians na sina Hao-Ching Chan ng Chinese Taipei at Miyu Kato ng Japan sa round of 16.
 
Si Krawczyk, na may dugong Pinoy sa mother side, ay established doubles player sa WTA Tour.
 
Napanalunan ng 32-year-old tennis player ang 13 doubles titles at kasalukuyang ranked No. 32 sa buong mundo, habang naabot ang career-high ranking na No. 7 noong August 2024.

About The Author