![]()
INANUNSYO ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magde-deploy sila ng 13,084 personnel upang mapanatili ang public order and safety sa Undas.
Ayon kay NCRPO spokesperson Police Lt. Col. Hazel Asilo, ang ide-deploy na personnel ay binubuo ng 12,459 mula sa NCRPO at 625 mula sa kanilang regional support units.
Aniya, nakalatag na ang deployment, pati na ang kanilang koordinasyon sa mga local government unit, maging ang arrangements para sa mga sementeryo, transport terminals at iba pang mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga tao.
Idinagdag ni Asilo na hindi pa niya nakukuha ang eksaktong bilang ng deployed personnel mula sa mga ahensya, gaya ng Metropolitan Manila Development Authority, Bureau of Fire Protection at Philippine Coast Guard.
Kasalukuyang nasa ilalim ng heightened alert ang NCRPO, at magsisimula ang skeletal deployment sa Oct. 29 at saka lilipat sa full alert status simula 12:01 a.m. ng Oct. 30.
