dzme1530.ph

FILIPINO FIGURE SKATER MICHAEL MARTINEZ, MAGBABALIK SA COMPETITIVE SKATING

Loading

Inanunsyo ni Filipino figure skating star Michael Martinez ang kanyang pagbabalik sa competitive scene makalipas ang limang taon, matapos mag-focus sa pagko-coach ng mga susunod na henerasyon ng figure skaters.
 
Inanunsyo ng two-time Winter Olympian ang kanyang desisyon, kasabay ng pag-amin na pinag-isipan niyang mabuti ang pagbabalik sa kompetisyon.
 
Ibinahagi ni Martinez na nakatakda siyang sumabak sa 2026 Philippine National Figure Skating Championships sa Nobyembre, pagtungtong niya sa edad na trenta.
 
Balak din ni Martinez na bumalik sa international stage sa 2027.

About The Author