dzme1530.ph

AUTO SALES SA PILIPINAS, NAKABAWI NOONG SETYEMBRE

Loading

Nakabawi ang overall vehicle sales sa Pilipinas noong Setyembre kasunod ng huminang benta noong Agosto.
 
Batay sa joint report ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA), umabot sa 35,722 units ang naibenta noong Setyembre.
 
Mas mataas ito kumpara sa 29,612 units na naibenta noong Agosto, subalit mas mababa pa rin ng 5.8% kumpara sa 37,915 units na naitalang sales noong September 2025.
 
Malaking bulto ng sales ay commercial vehicles na nasa 78.18% o 27,923 units, habang ang natitirang 7,799 units o 21.83% ay passenger cars.
 
May 8,957 units din ng electric vehicles ang naibenta noong Setyembre, mas mataas kumpara sa 7,073 noong Agosto.

About The Author