![]()
Naglabas ang North Korea ng litrato ng kanilang leader na si Kim Jong Un matapos kumalat ang tsismis na pumanaw na ito bunsod ng brain hemorrhage.
Sa inilabas na mga larawan ng state newspaper na Rodong Sinmun, ipinakita ang 42-year-old dictator na namamasyal sa isang clothing at footwear exhibition, kasama ang kanyang anak na babae.
Lumabas ang mga litrato, ilang oras matapos ibunyag ng isang Chinese dissident na naninirahan sa US, na na-coma umano si Kim kaya isinugod sa isang ospital sa Beijing subalit binawian ito ng buhay.
Wala namang ebidensya na kaakibat ang nasabing tsismis.
Para sa mga sumusubaybay sa mga pangyayari sa North Korea, ang mga ganitong tsismis ay naging routine na.
Bilang isa sa pinakamasekretong bansa sa buong mundo, mahirap kumpirmahin ang katotohanan sa North Korea kaya bukas ito sa iba’t ibang haka-haka.
